“JAV,” tawag ni Elorda ng mahina ngunit matatag ang boses sa asawa. “Kahit kalaban pa natin ang mundo, pipiliin at pipiliin pa rin kita. Hinding-hindi kita iiwan, kahit na sinuman ang humadlang sa’tin.” Napayakap si Jav sa kanya, mahigpit na tila ayaw nang pakawalan. “Huwag mo akong iiwan, Elorda… Ikaw na lang ang natitirang lakas ko,” bulong niya, halos pumatak ang luha sa leeg ng asawa. Tahimik lang si Honeylet na nakamasid sa kanilang dalawa. Sa kabila ng galit at takot sa kinabukasan ng anak, may kumurot sa puso niya. Kitang-kita niya ang pag-iyak ni Jav, hindi ito ang batang kilala niyang palaging matapang. At sa higpit ng yakap ng dalawa, parang unti-unting bumigat ang dibdib niya, na para bang naiintindihan na niya kung gaano kahalaga si Elorda sa buhay ng anak. “Kahit anong sabihin niyong dalawa, hindi ko matatanggap na siya ang piliin mo, Jav. Hindi ko hahayaang masira ang buhay mo dahil lang sa pagmamahal na ‘yan," sabi ni Honeylet na pinanatili ang matigas ang ekspresyon
Huling Na-update : 2025-07-19 Magbasa pa