HUWEBES ng gabi, nagmamadaling lumabas si Jav ng gusali ng JE nang bigla siyang mapahinto. "Hindi pa yata oras ng out mo. Uuwi ka na, Jav?" tanong ng Daddy niya. Napabuntong-hininga si Jav, pilit pinipigilan ang sarili na huwag sumabog sa inis. "Dad, five o'clock na po. Out na ako. Hanggang five lang naman talaga ang work ko. And besides, I'm the CEO. I can leave anytime I want." May diin sa bawat salita niya. Alis na nila bukas sa naipangako niyang bakasyon sa asawa. Napatiim-bagang si Jason. Kita sa mga mata niya ang hindi pagsang-ayon sa sinabi ng anak. "Alam kong CEO ka na ngayon, pero hindi ibig sabihin no’n ay exempted ka na sa respeto, Jav. Ako pa rin ang founder ng kumpanyang 'to. Sana'y hindi mo nakakalimutan." Marahas na napabuntong-hininga muli si Jav. Hindi na niya kayang itago ang inis. "And I respect you, Dad. Never ko pong kinalimutan na kayo ang nagpasimula ng JE. Pero hindi ibig sabihin kailangan kong i-sacrifice ang boundaries ko just to prove that." Nagkatit
Huling Na-update : 2025-08-03 Magbasa pa