Share

247

Penulis: RIDA Writes
last update Terakhir Diperbarui: 2025-12-17 23:15:01

SINALUBONG nina Uno at Dos ang magulang na papasok sa loob ng bahay nila.

"Mommy! Daddy!" Sabay na sigaw ng kambal habang tumatakbo palapit kina Elorda at Jav.

"Oppss, dahan-dahan tulog si baby..." saway ni Jav sa dalawang anak.

Napahinto sina Uno at Dos. Yayakapin sana nila ang ina pero pinigilan sila ng Daddy nila.

"Daddy, we just want to hug mommy," nakasimangot na sabi ni Dos.

Dumiretso papasok sa loob ng bahay sina Elina at Sicandro. Dinala nila ang mga gamit ng anak sa taas.

Napailing si Elorda, bakas ang pagod pero may ngiti sa labi.

“Hayaan mo na sila, Jav,” mahinang sabi niya. “Sabik lang ang mga bata. Saka, ilang araw din nila akong hindi nakita."

Lumuhod si Jav sa harap ng kambal at marahang hinaplos ang ulo ng mga ito.

“Alam ko. Pero tulog ang kapatid ninyo. Gusto n’yo bang silipin na lang siya mamaya?”

Agad lumiwanag ang mga mata nina Uno at Dos.

“Promise, Daddy. Hindi kami maingay,” sabay na sabi nila.

Dahan-dahang pumasok ang mag-anak sa loob. Inalalayan ni
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   250

    KABADO si Elorda sa itinawag ng asawa kanya. Kanina pa siya hindi mapakali. Napatuon ang tingin niya sa baby nila. Tulog na tulog ito. "Elorda, ako na ang bahala kay baby..." sabi ni Elina nang makapasok sa loob ng kuwarto ng mag-asawa. "Sina Uno at Dos po?" "Nasa Itay mo at kay Eros. Huwag mo silang alalahanin," sagot ni Elina sa anak. "May problema ka ba? Parang hindi ka mapakali..." dagdag na tanong niya. Tumingin si Elorda nang may takot sa mga mata. "Inay, may sasabihin daw po si Jav. Hindi ko po alam kung tungkol saan. Pero kinakabahan po ako..." Humugot ng malalim na hininga si Elina at lumapit sa anak. Marahan niyang hinaplos ang balikat ni Elorda, wari’y pinapakalma ito. “Anak, asawa mo si Jav. Kung may sasabihin man siya, mas mabuting marinig mo mismo mula sa kanya,” mahinahong sabi niya. “Huwag mo munang unahan ng takot ang isip mo.” Ngumiti nang pilit si Elorda pero hindi mawala ang kaba sa dibdib niya. Muli niyang sinulyapan ang mahimbing na natutulog na s

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   249

    NASA loob ng kanyang opisina si Jav. Kagat-kagat ang ballpen sa kanyang bibig. Iniisip pa rin ang sinabi ng magulang niya kahapon tungkol kay Dindi. Ayaw niyang masali sa gulo ang pamilya niya. Maliit pa ang mga anak nila ni Elorda para masangkot sa gulong gagawin ni Dindi para lang makuha siya. "Ang lalim ng iniisip mo, ah..." sabi ni Kevin na kapapasok lang sa loob ng opisina niya. Kasunod ng kaibigan sina Lindrick at Patrick. Napatingin si Jav sa tatlo at agad inalis ang ballpen sa bibig. “May iniisip lang,” tipid niyang sagot, saka muling napasandal sa upuan. “Halata naman,” biro ni Lindrick. “Kanina pa kami andito. Akala ko nga tulog ka na riyan.” Umismid si Jav. “Kung tulog ako, malamang wala kayo sa loob ng opisina ko.” Tumawa si Patrick at umupo sa tapat ng mesa. “Serious ka ngayon. May problema ba sa project o… personal?” Hindi agad sumagot si Jav. Huminga muna siya nang malalim bago tumingin sa tatlong kaibigan. “May sinabi ang parents ko kagabi. Tungkol kay

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   248

    "SAAN ka na naman galing?" Pagalit na tanong ni Dindo sa anak. Pero wala itong sagot. "Nagpunta ka na naman sa bahay nina Jav?" Tumahimik si Dindi. Nakayuko lang siya, mariing kinukuyom ang mga kamay sa gilid ng palda niya. “Sumagot ka, Dindi!” tumaas ang boses ni Dindo. “Akala ko ba malinaw na ang usapan natin? Tama na ang kakapunta mo roon!” “Daddy…” nanginginig ang boses ni Dindi nang sa wakas ay magsalita. “Gusto ko lang makita si Jav. Hindi ko naman sila ginugulo…” “Hindi mo ginugulo?” mapait na tawa ni Dindo. “Palihim kang pumupunta roon. Ano sa tingin mo ang iisipin ng mga tao? May asawa na ang lalaki!” Napatingala si Dindi, puno ng luha ang mga mata. “Mahal ko siya, Daddy. Matagal ko na siyang mahal. Hindi ko kayang basta na lang kalimutan.” Lumapit si Dindo at huminga nang malalim, pilit pinapakalma ang sarili. “Mahal man o hindi, mali na ang ginagawa mo. Lalo mo lang sinasaktan ang sarili mo. At kami, nadadamay.” “Hindi niyo ba naiintindihan?” halos pabulong na sigaw

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   247

    SINALUBONG nina Uno at Dos ang magulang na papasok sa loob ng bahay nila. "Mommy! Daddy!" Sabay na sigaw ng kambal habang tumatakbo palapit kina Elorda at Jav. "Oppss, dahan-dahan tulog si baby..." saway ni Jav sa dalawang anak. Napahinto sina Uno at Dos. Yayakapin sana nila ang ina pero pinigilan sila ng Daddy nila. "Daddy, we just want to hug mommy," nakasimangot na sabi ni Dos. Dumiretso papasok sa loob ng bahay sina Elina at Sicandro. Dinala nila ang mga gamit ng anak sa taas. Napailing si Elorda, bakas ang pagod pero may ngiti sa labi. “Hayaan mo na sila, Jav,” mahinang sabi niya. “Sabik lang ang mga bata. Saka, ilang araw din nila akong hindi nakita." Lumuhod si Jav sa harap ng kambal at marahang hinaplos ang ulo ng mga ito. “Alam ko. Pero tulog ang kapatid ninyo. Gusto n’yo bang silipin na lang siya mamaya?” Agad lumiwanag ang mga mata nina Uno at Dos. “Promise, Daddy. Hindi kami maingay,” sabay na sabi nila. Dahan-dahang pumasok ang mag-anak sa loob. Inalalayan ni

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   246

    "ALIS na kami Elorda. Baka nakakaistorbo na kami sa inyong mag-asawa," sabi ni Tess. "Uuwi na kaagad kayo? Parang wala pa kayong isang oras dito." Tugon ni Elorda sa kaibigan. "Paano ba naman ganyan kayo maglambingan, sa harapan pa namin “…kaya nakakailang,” dugtong ni Tess sabay tawa. “Baka mamaya kami pa ang maiyak sa kilig.” Napangiti si Elorda, bahagyang namula. “Grabe ka naman. Hindi naman namin sinasadya,” sagot niya habang pasimpleng sinulyapan si Jav na agad namang umiling, kunwari walang kasalanan. “Excuse me, asawa ko ‘yan,” biro ni Jav. “Natural lang ‘yon.” “O siya, kayo na,” sabi ni Tess. “Magpahinga ka na rin, Elorda. Kakapanganak mo lang.” “Salamat sa pagdalaw,” malambing na tugon ni Elorda. “Ingat kayo.” Matapos umalis nina Tess, muling tumahimik ang silid. Mahimbing na natutulog ang sanggol sa crib sa tabi ng kama. Umupo si Jav sa gilid, marahang hinaplos ang pisngi ng anak. “Ang bilis ng lahat, ‘no?” mahina niyang sabi. Tumango si Elorda. “Pero masaya. Nakaka

  • FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE   245

    PABALIBAG na isinarado ni Dindi ang pinto ng kuwarto niya. "How dare them! Niloko nila ako, Daddy. Ang akala ko sa akin nila ipapakasal si Jav. Ginawa ko lahat para makuha siya pero si Elorda pa rin!" Galit na galit na sabi niya. Panay ang tulo ng luha niya sa kanyang mga mata at nakatikom ang dalawang kamao. Marahas na napabuntong-hininga si Dindo. Nasasaktan siya para sa kanyang anak pero mahirap naman ipilit ang gusto nito. Marahang lumapit si Dindo at ipinatong ang kamay sa balikat ni Dindi, pero agad iyong inalog ng dalaga palayo. “Daddy, hindi ba puwede n’yo man lang ipaglaban ako?” umiiyak niyang tanong. “Ako ang narito. Ako ang anak n’yo. Bakit parang mas mahalaga pa sila kaysa sa akin?” Napapikit si Dindo. Mabigat ang bawat salitang kailangang bitawan. “Dindi, ginawa ko ang lahat ng kaya ko,” mahinahon niyang sagot. “Pero ang puso ni Jav… matagal na niyang pinili si Elorda. Kahit anong pilit, hindi mo puwedeng agawin ang hindi naman sa’yo.” Napailing si Dindi, tumawa nan

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status