Napatingin naman si Fatima kay Mike at sa mga lalaki na kasamahan nila. “Hindi pinapayagan ang mga dayuhan sa aming baryo. Hindi makakapasok ang mga ito, pero maaari ko kayong dalhin nang palihim,” sambit ni Fatima.Agad naman na nagsalita si Mike, halatang nag-aalala na.“Sir, mukhang delikado kung ikaw lamang ang papasok.”Kalmado at tiyak ang tinig ni Shawn nang sabihin, “Ano'ng delikado?”“Gusto ka ni Fatima. Mag-ingat ka at baka subukan niyang gawin kang kanyang asawa,” bulong na sabi ni Mike kay Shawn.At dahil diyan, agad naman na tinapuna ng masamang tingin ni Shawn si Mike, na agad namang nagpatahimik sa kanyang assistant.“Maghintay kayo rito. Tatawag ako kung kakailanganin,” mahinang sambit ni Shawn kay Mike.Tumango naman si Mike bilang pagsang-ayon.“Copy, sir.”Samantala, tumingin naman si Shawn kay Fatima at sinabi, “Miss Fatima, sasama ako sa 'yo. Salamat sa tulong mo.”“Sige, halika,” sagot niya nang may kaunting ngiti sa kanyang labi.Pinangunahan ni Fati
Read more