Napatigil si Maxine habang nakahawak pa rin sa chopsticks niya, bago siya sumagot nang tapat.“Nagka-asawa ako.”Dahil sa sinabi niya, gulat na gulat ang lahat. Hindi makapaniwala si Joseph sa kanyang nalaman. “Maxine, nag-asawa ka na?” tanong nito kay Maxine.Ramdam naman ni Maxine ang tingin ni Shawn sa kanya. Ang mga mata nitong sobrang talim, animo'y may dalang bigat. Pinilit niyang huwag pansinin iyon at bahagyang ngumiti, saka nagpatuloy.“Oo, kaya nitong mga nakaraang taon, hindi naman ako naging abala. Nag-alaga lang ng asawa. Naging isang housewife,” paliwanag ni Maxine.Totoo ang sinabi niya. Mahigit tatlong taon siyang nawala sa mundo, at umiikot lamang ang buhay niya kay Shawn.Samantala, napatulala ang mga babaeng senior sa kanilang nalaman. Hindi na rin nila mapigilang mang-usisa.“Maxine, naging housewife ka sa pinakasikat na panahon ng buhay mo?” tanong ng isa sa kanila.“Pero, kakahiwalay lang namin,” dagdag ni Maxine.At dahil diyan, mas lalong nagulat ang
Read more