LORIE LOVE“Ano ang ibig sabihin nito?” tanong ko sa kanya dahil hindi ko pa rin talaga inaasahan ito.“Wala naman, gusto ko lang sana na magdinner tayo dito sa bahay,” sagot niya sa akin.“Na may ganito? Masyado ka namang nag-effort.”“Oo, nakita ko lang sa movie na pinapanood ko,” sagot niya sa akin.“Tapos ginaya mo?” tanong ko sa kanya.“Sinubukan ko lang,” sagot niya sa akin.“Ang sweet mo naman sa katulong mo, ninong,” natatawa na sabi ko sa kanya.“Magbihis ka na doon, amoy kape ka eh,” sabi niya sa akin kaya inirapan ko siya.“Babae mo ang may gawa nito,” sabi ko sa kanya.“Naging babae lang, tapos na ‘yon,” pagtatama pa niya sa sinabi ko.“Pareho lang ‘yon. Baka sa susunod ay banggain na niya ako at mamatay ako ng wala sa oras,” sabi ko sa kanya.“Hindi niya gagawin ‘yon,” sabi pa niya sa akin.“Mahal na mahal ka ng babaeng ‘yun kaya handa siyang gawin ang lahat. Para siyang kontrabida sa mga teleserye sa tv,” natatawa na sabi ko bago ako pumasok sa loob ng room ko.Pero nagu
Last Updated : 2025-10-14 Read more