Mainit ang sikat ng araw na tumatama sa bintana ng maliit na kwarto na dati ay kay Anjo. Hindi na kasing bigat ng dati ang pagpasok ni Alexis doon, pero bawat sulok ay puno pa rin ng alaala. Sa sahig, nakalatag ang mga lumang kahon na nilalabas niya mula sa aparador — damit, laruan, school supplies na hindi na nagamit. Plano niya itong ipamigay sa isang charity na tumutulong sa mga batang nawalan ng magulang.Nasa gilid ng pinto si Ralph, nakasandal, hawak ang isang malaking eco-bag. “Sigurado ka bang okay ka lang dito? Puwede ko namang ako na ang mag-ayos,” alok niya, bahagyang nag-aalangan.Tumango si Alexis, nakangiti kahit medyo pagod ang mga mata. “Kaya ko, Ralph. Besides, gusto kong ako mismo ang mag-asikaso nito. Para… alam mo na, parang personal kong pasasalamat sa lahat ng tumulong sa atin noon.”Lumapit si Ralph, iniwan ang eco-bag sa gilid, at marahang lumuhod sa tabi niya. “Okay. Pero magpa-partner tayo,” sabi niya, kinuha ang isang kahon at sinimulang buksan.Habang iniaa
Last Updated : 2025-08-11 Read more