Mabigat ang bawat hakbang ni Ralph habang nilalakad ang pasilyo ng ospital. Walang tunog kundi ang pag-ugong ng malamig na hangin mula sa aircon at ang mahinang yabag ng kanyang sapatos sa sahig. Sa bawat hakbang, tila dumadagdag ang bigat sa kanyang dibdib—galit, takot, at, higit sa lahat, pangamba. Nang makarating siya sa ICU, natigilan siya sa pintuan. Sa loob, nakaupo si Alexis sa tabi ng kama ni Julio, hawak ang kamay nito. Maputla si Alexis, halatang kapos sa tulog, ngunit hindi pa rin niya iniiwan si Julio. Napalingon siya kay Ralph, nagkatinginan sila, parehong may bigat sa mga mata. “Wala pa rin,” mahinang bulong ni Alexis. “Wala pa ring malay.” Tumango lang si Ralph. Gusto niyang sabihin na magiging maayos rin ang lahat. Na may ginagawa na ang mga awtoridad, na ligtas na sila, na makakabangon pa si Julio. Ngunit wala sa alinman doon ang totoo sa ngayon. Sa likod nila, biglang bumukas ang pinto. “Ralph.” Paglingon niya, bumungad ang mga magulang ni Julio—si Papa Lito at
Terakhir Diperbarui : 2025-07-31 Baca selengkapnya