Theo's POV "What's up with Karlo? Anong napapansin mo sa kanya?" maya-maya'y tanong sa akin ni Samantha matapos kong iligpit ang mga pinagkainan namin. "Talaga bang kumukulo ang dugo mo sa kanya o selos ka lang?" Inayos kong inilagay ang folding table sa gilid ng cabinet at hindi kalaunan ay muli ko siyang nilapitan. I sat beside her kung saan ay abala siyang naglalagay ng lipstick sa kanyang mga labi. Nagkibit-balikat ako. "Oo, selos ako at inis na inis ako sa kung paano ka niya hawakan kanina. Pero, I swear, that's not the only reason. Hindi ko alam, para kasing nakita ko na siya sa kung saan," Nahinto siya sa kanyang ginagawa at kunot-noo akong hinarap. She put her lipstick back on her bag. "Nakita? Saan mo naman siya makikita? Sa pagkakaalam ko ay ngayon lang kayo nagkakilala," aniya at napaisip. "Hindi kaya meron kang business meeting kung saan nandoon din siya?" "Hindi ko nga alam." Napakamot ako sa batok ko. "Habang kaharap ko siya kanina ay gustong-gusto ko siyang tanun
Last Updated : 2025-07-14 Read more