Theo's POVKomportable akong umupo sa pinakadulo ng lamesa katapat si Neo. Ayaw din kasi nitong ipakita sa lahat ang kalagayan nito ngayon dahil wala pang kahit na sinong nakakaalam sa sitwasyon nito at ng girlfriend nito.Sa kabilang banda naman ay ayaw ko ring mapadpad sa gitna ng lamesa kung saan ay masyadong expose kay dad.Ngunit hindi pa man ako nakakatagal ng ilang minuto ay natigil ako nang marinig ko ang pagtawag niya sa akin."Theo," nakangiti pa rin niyang sambit. "Dito ka sa tabi namin ng mama mo."Inilapag ko ang hawak kong baso ngunit nanatili pa rin ako sa pwesto ko. Sa kabilang banda naman ay halos lahat ng pamilya namin ay nakatuon ang atensyon sa akin.Hindi ako sanay.Why is he acting this way?Hindi kaya tungkol ito sa pinirmahan kong agreement bilang substitute ni ate?That mustn't be it."Halika na rito," dagdag ni mama na tumayo sa upuan niya.Nginitian ko siya. "No, ayos na 'ko rito-""I insists," putol sa akin ni dad.Sa puntong iyon ay kita ko sa mga mukha ni
Last Updated : 2025-06-10 Read more