Mabilis ang tunog ng mga gulong ng ambulansya habang humaharurot iyon sa kalsada. Sa loob, mahigpit ang hawak ni Lucil sa kamay ni Donovan habang pilit niyang pinapakalma ang sarili niya. Pero imposible. Dahil bawat patak ng dugo sa suot nitong damit ay parang unti-unting sumisira sa natitirang kontrol niya.“Sir, stay awake,” sabi ng paramedic habang inaasikaso ang tama ng bala sa balikat ni Donovan.Bahagyang napangiwi ito sa sakit pero hindi nagreklamo. Ang tingin nito nasa anak nila.“Daddy…”Nasa kabilang gilid si Lilo, umiiyak habang hawak ang maliit na stuffed rabbit nito. Namumugto na ang mata ng bata sa kakaiyak. At tuwing gagalaw si Donovan dahil sa sakit, mas lalo lang itong napapahikbi.“Hey…” mahina nitong tawag kahit hirap magsalita. “No crying, baby.”“Pero may dugo ka…”Napangiti nang mahina si Donovan kahit namumutla na.“It’s just a scratch.”“Liar,” hikbi ni Lilo.At kahit sa gitna ng takot, halos mapaluha si Lucil sa eksenang iyon. Dahil ganoon palagi si Donovan ka
Baca selengkapnya