Paglabas ni Lucil sa restaurant, ramdam niya ang bigat ng bawat hakbang niya, pero hindi siya huminto. Hindi siya lumingon. Hindi na siya ang babaeng kayang pigilan ng emosyon. Ngunit sa loob niya, may mga bagay na pilit na bumabangga, mga alaala, mga tanong, at mga katotohanang ayaw niyang tanggapin.Sumakay siya sa kotse nang hindi nagsasalita. Tahimik ang driver, ramdam ang tensyon sa loob ng sasakyan. Habang tumatakbo ang sasakyan sa kalsada, nakatitig lang siya sa labas, pero hindi niya talaga nakikita ang mga tanawin. Ang nasa isip niya,.si Daphne, ang bata, at ang mga salitang binitawan nito.“Because I wanted him.”Paulit-ulit iyong umuukit sa isip niya.Ganun lang? Ganun kadali para sa babaeng iyon na sirain ang buhay niya?Mahigpit niyang hinawakan ang kanyang bag.“Ma’am, are you okay?” maingat na tanong ng driver.“I’m fine,” sagot niya, kahit hindi totoo.Pagdating sa condo, agad siyang bumaba at dumiretso sa loob. Hindi na siya nag-abalang magpalit ng damit. Dumiretso si
Baca selengkapnya