Chapter 19
Levi POVHabang pauwi ng bahay, ngayon ko lang nakita kong gaano kasaya ang aking nag iisang prinsesa habang nakatingin sa nakangiting si Calista. Sa lahat ng mga nagging yaya nya ay si Calista lang talaga ang nagparamdam sa kaniya ng ganito kasayang buhay.And seeing my daughter happy, it makes me happy too. “Nanny, I really want to go out with you, every minute we shared was valuable” saad nito, napangiti lang ako habang tinitngnan ang genuine na mga ngiti nito.“Alam mo Princess, utang ko rin naman sayo yung buhay ko eh HAHAHAHAH kaya naman papasayahin talaga kita dahil gusto ko.” Sagot niya. Tahimik lang akong pinapakinggan sila na nag uusap habang nagda-drive and habang pinapakinggan ko yun, I realize na masyado na nga talaga akong busy sa sarili kong kampanya dahil maski si Princess ay hindi ko nabibigyan ng oras.“I was thankful po yaya because I meet you that day, my daddy kasi hindi know how to picked a nanny for meChapter 75Levi POVNakaupo ako ngayon sa opisina, pero kung tutuusin, wala sa mga papel sa harap ko ang iniisip ko. Wala sa mga figures sa monthly report ang may saysay para sa akin ngayon. Ang tanging laman ng utak ko, ay si Calista.Napatingin ako sa notification sa phone ko—delivered na raw ang food na ipinadala ko kanina. Napangiti ako kahit papaano. Alam kong hindi sapat ‘yon para mapawi ang lahat ng sakit, pero gusto kong iparamdam sa kanya na may nagmamalasakit pa rin sa kanya kahit na nasaktan ko siya noon.Tumayo ako saglit at lumapit sa bintana ng office. Mula rito, tanaw ko ang ilang parte ng lungsod—matao, mabilis ang galaw ng mga sasakyan, pero sa gitna ng lahat ng iyon, nanatiling tahimik ang loob ko. Tahimik, pero hindi payapa.Alam kong wala akong karapatang suyuin siya ngayon. Pero hindi rin ibig sabihin ay titigil na ako sa paghahanap ng paraan. Gusto ko siyang maipaglaban. Kahit paunti-unti.Biglang may naisip ako.
Chapter 74Levi POVMaaga pa lang, gising na ako. Hindi dahil sa trabaho, kundi dahil sa iisang dahilan—Calista.Hindi ako mapalagay simula nang iniwan niya kami ni Princess sa gitna ng daan. Kahit ilang araw na ang lumipas, ramdam ko pa rin ang lungkot sa loob ng bahay. Tahimik si Princess, madalas tulala. Ako naman, parang laging may kulang.Kaya ngayong umaga, bago pa man magbukas ang opisina, nagdesisyon akong mag-order ng breakfast para sa kanya. Naalala ko kung gaano siya kasimple at kung paano niya gustong nakakakain ng mga paborito niyang pagkain kahit busy.“Botejo,” bulong ko sa sarili habang naglalagay ng order sa app. Alam kong gustung-gusto niya ang pagkain doon—lalo na ang Egg Katsu Bento at Mango Yakult. Simple lang, pero panalo para kay Calista.Pagkatapos kong lagay ang order, dinoble-check ko ang delivery address. Gusto kong siguraduhin na walang aberya. Then, naglagay ako ng request para sa rider:"Please includ
Chapter 73Calista POVPinunasan ko ang mga luha sa pisngi ko gamit ang palad. Bahagyang basa pa ang buhok ko dahil sa ulan habang dahan-dahan akong naglakad papunta sa gate ng bahay namin. Sa bawat hakbang, pakiramdam ko ay mas lalo kong nararamdaman ang bigat sa dibdib. Hindi ko alam kung dahil sa mga sinabi ni Levi, sa sigaw ni Princess, o sa sarili kong desisyong iwan sila sa gitna ng kalsada. Pero isa lang ang alam ko—masakit pa rin. Masakit pa ring mahalin siya.Pagdating sa tapat ng bahay, bahagya kong tinapik ang pinto. Isang mahinang katok lang, dahil baka tulog na sila. Pero ilang segundo lang ay bumukas agad ito. Si Chrisiah.“Ate, nagkita kayo ni Sir Levi?” agad niyang bungad, halatang gulat at sabik sa sagot. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa—tila sinusuri kung okay ba ako, o kung may sugat akong tinamo.Napangiti ako, kahit pilit. “Ano ba pinagsasabi mo,” sagot ko, sabay tawa nang peke, para hindi mahalata ang sakit. “Matu
Chapter 72Calista POVHindi ko pa rin maipaliwanag kung ano ang mas nakakagulat—ang makita si Levi na biglang sumulpot para iligtas ako, o ang makita si Princess na umiiyak habang tinatawag ang pangalan ko. Naramdaman ko ang bigat ng mga braso ni Levi nang yakapin niya ako sa gitna ng kusina. Nakaapak ako sa basa at madulas na sahig, amoy mantika, amoy luha, pero sa loob ng ilang segundo… parang safe ako.Mabilis ang mga sumunod na pangyayari. Hindi ko na napansin kung paano niya ako inalalayan palabas ng resto. Parang may sarili akong mundo habang papalabas kami—ang init ng pisngi ko, ang panginginig ng kamay ko, ang pakiramdam na para akong batang tumatakbo palayo sa bangungot.Pagkapasok namin sa kotse, agad akong niyakap ni Princess mula sa likod ng upuan. Hindi siya bumitaw.“Nanny, balik ka na po,” aniya, hikbi ang bawat salita.Napakagat ako sa labi, pinipigilan ang luha pero tuloy-tuloy pa rin ito. Lumingon ako sa likod, sa m
Chapter 71Levi POVHindi ako mapakali. Ilang araw na ang lumipas, pero wala pa ring balita mula kay Calista. Walang sagot ang mga tawag ko, at kahit isang mensahe, wala. Parang nawala siya sa mundo. Hindi ko maipaliwanag, pero may kung anong kirot sa dibdib ko sa tuwing maiisip ko kung nasaan siya.Kaya’t sa araw na ito, nagdesisyon akong bumalik sa bahay nila—pero ngayon, kasama ko si Princess. Siguro… baka mas magaan kung si Princess ang makausap ng pamilya niya. O baka sakaling makita ko si Calista mismo. At gaya ng dati, ipinarada ko ang sasakyan sa gilid dahil hindi kakasya ang kotse ko sa makitid at maputik na daan. Bitbit si Princess, naglakad kami papunta sa bahay."Daddy, d'you think Nanny Cali is mad at us?" tanong ni Princess habang hawak ang kamay ko."I don't know," sagot ko ng mahina. "But I hope she's okay."Pagdating sa bahay nila, ako na ang kumatok. Ilang saglit lang at bumukas ang pinto."S-sir Levi?
Chapter 70 Calista POV Akala ko kung sinong lalaki ang biglang pumasok sa maliit na kusina ng karinderya. Pero hindi ako nagulat—hindi na ako kailangan pang manghula. Kilalang-kilala ko ang anyo ng paika-ikang lakad, ang amoy ng alak na humahalo sa singaw ng katawan, at ang tingin na parang palaging galit sa mundo. Si Papa. At lasing na naman siya. “Pa?” mahina kong tawag habang hawak pa ang isang basong kakahugas ko lang. Hindi siya sumagot. Bigla na lang lumapit at sinabunutan ako nang wala man lang abiso. “A-ano ba pa! Nasasaktan ako!” iyak kong sigaw habang pilit kong inaalis ang kamay niya sa buhok ko. Hinila niya ito pababa, sabay kurot sa balikat ko. Wala akong nagawa kundi mapaluha. “’Yan ba ang pinagmamalaki mong trabaho, ha?! Maliit na karinderya? Tagahugas ng pinggan?!” galit na bulalas niya. “Anong klaseng buhay ‘yan? Magkano kita mo dito, ha? Isang da