Share

Kabanata 40

Author: Jhantida
last update Huling Na-update: 2025-07-05 16:13:45

Napailing na hinarap ng dalaga ang principal at nakipag-usap dito. Ang sabi ng guidance counselor ay kaya binubully ang anak niya dahil nilalait daw ito ng ilang students na wala itong kunpletong pamilya. Habang pinapakinggan iyon ay tila may pumipiga sa puso ni Hashana. All this time, ganun pala ang nararanasan ng panganay niya.

Kinausap din niya ang magulang ng kabilang panig at nangangako ang mga ito na hindi na iyon mauulit. Mabuti at first warning pa lang kaya walang masususpende o mahahatulan ng parusa.

Nauna silang lumabas sa silid nang masettle lahat. Lahat sila ay tahimik na tinatahak ang hallway paalis. Nasa tabi niya si Jelrex habang nasa likod nila si Clifton at si Sandro. Idadaan lang nila ang bata sa classroom nito. Tahimik ang anak niya. Hindi niya alam kung ano ang iniisip nito ngayon sapagkat ilang araw na siya nitong hindi kinakausap. Pero sinusunod naman nito ang mga sinasabi niya. Kahit hindi niya ipinakilala dito si Clifton. Batid niyang ginawa na iyon ng nanay
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Little_Sunny
wow! next please!
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Trap In His Arms   Kabanata 44

    Diniretso ni Sandro ang sasakyan sa parking area ng bahay at maingat iyong ipinarada doon. Naunang lumabas ang lalaki para kunin ang gamit ng mag-iina sa compartment. Sumunod din naman sila ni Hashana na akay ang anak. "Sumunod kayo sa'kin." Kinamayan ni Sandro si Jelrex upang pasabayin ang bata sa paglalakad. Mula sa kinatatayuan ay kita ni Hashana ang pigura ni Clifton at ng ginang na si Cindy. Malawak ang ngiti ng matanda na nakatanaw sa kanila habang seryoso ang mukha ni Clifton. Nakailang hakbang pa lang sila nang tumunog ang cellphone ni Hashana. Sabay na napalingon roon ang dalawang lalaki. "Mauna na kayo. Jelrex, sumabay ka na kay tito Sandro mo."Sumang-ayon naman ang dalawa. Nang makalayo ay saka lang sinagot ni Hashana ang tawag na galing kay Cathy. Nailayo pa niya ang aparato sa tainga sa matinis nitong boses. Ang akala niya'y bulyaw ang kanyang aabutin, subalit kabaliktaran ang nakuha niya dito. "Mabuti naman at nahimasmasan ka." Untag nito sa kabilang linya. Napail

  • Trap In His Arms   Kabanata 43

    Nagising si Hashana sa mahinang hagikhikan sa apat na sulok ng kwarto. Inaantok pa na minulat ng dalaga ang mata kasabay ng pag-unat sa mga braso. Bumungad sa kanya ang dalawang anak na panay ang tawa ni Cheslyn sa ginagawang pagkikiliti ng kuya nito. Kumunot ang noo ni Hashana sa ayos ng mga bata. Bihis na bihis ang mga ito. Suot ni Jelrex ang itim nitong pulo at pantalon na pinarisan ng puting sapatos. Kay Cheslyn naman ay ang baby pink nitong dress na mag laso sa bandang pusod. Maayos na nakapusod ang magkahiwalay nitong buhok na may ribbon sa magkabilaan. "Jelrex," nanunuyo pa ang lalamunan na pagtawag niya sa nakakatandang anak. Agad naman itong lumingon sa kanya. "Mama, gising na po pala kayo. Binihisan na po ni lola si Cheslyn. Nasa baba na po kasi si tito Sandro."Kumunot ang noo niya sa sinabi nito. Napapantastikuhang bumangon siya at sinulyapan ang orasan sa pader. It was just six am in the morning. Anong ginagawa ng lalaki dito umagang-umaga? "Sabi po ni lola ihahatid d

  • Trap In His Arms   Kabanata 42

    Umiwas ng tingin si Hashana sa mag-ama. Isinalin nito ang gatas sa baby bottle saka kinuha si Cheslyn kay Clifton. Inilagay ng dalaga pabalik ang anak sa crib at pinahawak dito ang bottle. "You didn't do breastfeeding?" Ilang saglit ay maingat na naitanong ni Clifton. "Minsan lang kapag hindi pagod." Kung ihahalintulad lahat, ito na siguro ang pinakamahinahon na pag-uusap ng dalawa. Yung walang halong inis at galit. "That's good." Nakakaunawang tumango ang lalaki. Hindi na sumagot si Hashana. Payapang bumalot ang katahimikan sa mga ito. Inabala ni Hashana ang atensyon sa anak na marahang hinahaplos ang malambot nitong buhok. "She's heavy and loud too." Ilang segundo ay komento ng ginoo na namamangha sa bagong nalaman sa anak. "Oo, may kabigatan na nga si Cheslyn.""Do you want me to hire a babysitter for her?"Minasama ata ni Hashana ang pagmamagandang loob ng lalaki dahil bigla itong natahimik. Kumuyom ang kamao ng dalaga at pagak na natawa. Tinamaan ang pride niya bilang nana

  • Trap In His Arms   Kabanata 41

    Kalabisan mang isipin subalit pakiramdam ni Hashana masyado ng nanghihimasok si Clifton sa buhay nila. Katulad nga ng sinabi nito kanina sa paaralan, naabutan ng dalaga ang dalawang lalaki sa salas ng bahay. Umekis agad ang kanyang kilay. Kausap ng mga ito ang mga magulang niya na sabay napalingon nang makita sila. Lumapit si Jelrex sa mga matanda para magmano. Nanatili lang siya sa puwesto at lumakad patungong hagdan. Nilingon ulit ng dalaga ang anak na sa pagkakataong iyon ay nakakandog na kay Clifton. Marahang ginugulo ng lalaki ang buhok ng bata. Nag-iwas siya ng tingin at mahinang tinawag si Jelrex. "Jelrex, pumasok ka muna sa kwarto. Kailangan mo pang magbihis." Iyon lang at pumanhik na ang dalaga sa taas. Hinalikan ni Hashana ang naabutang mahimbing na natutulog na si Cheslyn. Nagbihis na rin siya ng pambahay bago bumalik sa baba para magluto ng hapunan. At dahil wala siyang balak lumapit sa mga panauhing nasa sala, diretso agad ang dalaga sa kusina. "Hey,"Tahimik na sana

  • Trap In His Arms   Kabanata 40

    Napailing na hinarap ng dalaga ang principal at nakipag-usap dito. Ang sabi ng guidance counselor ay kaya binubully ang anak niya dahil nilalait daw ito ng ilang students na wala itong kunpletong pamilya. Habang pinapakinggan iyon ay tila may pumipiga sa puso ni Hashana. All this time, ganun pala ang nararanasan ng panganay niya. Kinausap din niya ang magulang ng kabilang panig at nangangako ang mga ito na hindi na iyon mauulit. Mabuti at first warning pa lang kaya walang masususpende o mahahatulan ng parusa. Nauna silang lumabas sa silid nang masettle lahat. Lahat sila ay tahimik na tinatahak ang hallway paalis. Nasa tabi niya si Jelrex habang nasa likod nila si Clifton at si Sandro. Idadaan lang nila ang bata sa classroom nito. Tahimik ang anak niya. Hindi niya alam kung ano ang iniisip nito ngayon sapagkat ilang araw na siya nitong hindi kinakausap. Pero sinusunod naman nito ang mga sinasabi niya. Kahit hindi niya ipinakilala dito si Clifton. Batid niyang ginawa na iyon ng nanay

  • Trap In His Arms   Kabanata 39

    "Ah! Mababaliw na ako!" Hawak ang ulo sa magkabilang kamay na frustrated iyong isinigaw ni Hashana. Kasalukuyan siyang nasa opisina ni Cathy sa plantasyon. Magkaharap ang dalawa at inilalabas ni Hashana dito ang mga nararamdamang hinanakit sa buhay. Papaano nga ba niya malulusutan ang problemang hinaharap ngayon? Parang puputok na ang utak niya kakaisip kung ano ang puwedeng gawin kay Clifton. Masyadong matigas ang ulo ng lalaki. Ni kahit anong gawin niyang banta. Hindi man lang ito nakikinig. Sa halip ay tumatawag pa ito sa mga magulang niya at minsan ay sumusulpot sa bahay nila. "Bakit kasi hindi mo na lang hayaan? Ikaw na nga nagsabi na alam na naman ni Jelrex ang tungkol kay Clifton at nagkita na din sila. Hindi naman pinagtabuyan ng bata si Clifton at ayos lang din kila tita. Ikaw lang talaga itong umaayaw." Itinukod ni Cathy ang mga daliri sa sentido saka sumulyap sa kaibigan. "I know galit ka pa rin sa kanya hanggang ngayon. Naiintindihan kita. Pero ano bang kinakatakot mo? S

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status