Special Chapter: Five Years Later"Good morning, ma'am Ceila.""Good morning, prof!""Good morning, students."Nakangiti kong bati sa kanila habang pumapasok sa lecture hall na puno ng sigla. Isang simpleng araw para sa akin bilang guro, ngunit sa bawat hakbang ko papunta sa harap ng klase, hindi ko maiwasang balikan ang nakaraan. Limang taon na pala ang lumipas mula nang tuluyang magbago ang buhay ko.Ang dating babaeng walang plano mag-asawa, kuntento na sa pagiging independent at sa pangarap na magka-anak nang walang komplikasyon, ay ngayo’y nakatayo bilang isang ina, asawa, at propesor. At higit pa roon, isa akong masayang babae. Isang babaeng natutong tanggapin na ang tunay na buhay ay hindi nasusulat sa bucket list, kundi sa mga desisyon at pagmamahal na hindi natin inaasahan.Matapos ang klase, lumabas ako ng unibersidad at agad kong nasilayan ang pamilyar na itim na kotse sa tapat ng gate. Doon nakasandal si Atticus, nakasuot ng dark suit at shades, mukhang business tycoon pa
Read more