Tahimik akong bumaba ng hagdan, pero sa loob-loob ko, parang may fireworks sa dibdib ko. Bakit nga ba parang bigla akong kinakabahan? Gabi na, tapos si Mayor mismo, dumalaw sa bahay?Pagbukas ko ng pinto, napatigil ako. Nakatayo siya doon, nakangiti pa rin, hawak ang paper bag. Ang ilaw mula sa veranda ay tumatama sa mukha niyang parang bagong ligo sa cologne commercial.“Good evening, Miss Jacinta,” bati niya ulit, mas mahinahon na ngayon. “Hindi naman ako istorbo, sana?”Napakamot ako sa batok, pilit pinipigilan ang ngiti. “Depende. Kung dala mo ay pagkain, hindi.”Napatawa siya, ‘yung tawang malalim na medyo nakaka-kiliti sa tenga.“Good thing I came prepared,” sabay taas ng paper bag. “Freshly baked pastries from the governor’s wife. Baka sakaling mapasarap ang kape mo.”“Ah talaga?” Pinilit kong magpaka-normal, pero alam kong namumula na ako. “Sige na nga, pasok ka. Pero huwag kang magreklamo kung may kagat ka ng lamok dito.
Last Updated : 2025-10-15 Read more