Sumulyap si Romulus sa secretary niya, at agad naman itong tumango. “Magbe-break muna kayo, Ma’am. Ako na ang bahala dito,” sabi niya, nakangiting parang alam na alam niya ang nangyayari. Hinawakan ako ni Romulus sa bewang at marahan akong inalalayan palabas ng opisina, patungo sa maliit na lounge sa likod ng kanyang private office. Tahimik kaming naglakad pero ramdam ko ang bigat ng iniisip niya, kahit pilit niya itong tinatago sa mahinahong ekspresyon. Pagkapasok namin sa lounge, pinaloob niya ako sa isang yakap. Hindi malambot na yakap, kundi ’yung tipong kailangan niya ako para huminga. “Baby…” tawag ko, nakataas ang kamay sa dibdib niya. “What’s wrong?” Hindi siya agad sumagot. Nakapikit lang siya habang nakasandal ang baba niya sa tuktok ng ulo ko, humihinga nang malalim na parang sinusubukang pakalmahin ang sarili. “I had a meeting with the chief of police,” mahina niyang sabi. “They found something near the port. Mga pangalan, transactions, movement. Hindi ko pa sure, bu
Last Updated : 2025-12-03 Read more