"Ayusin mo 'yang buhok mo, dapat fresh at masikip kang tignan," aniya ko sa kanya. Inayusan ko siya ng buhok, tinangal ko ang naka-pony tail niyang buhok, iniwagayway ko ang buhok niya, buti na lang at dinala ko ang lipstick niya na hiniram ko kanina, nilagyan ko siya ulit ng lipstick sa labi. "Pak, ang ganda mo talaga Zila!" Tili ko sa tuwa. Maganda talaga si Zila, bagay na bagay sa kulot niyang buhok ang kanyang pagiging morena. "Ate, kinakahaban ako," nanginginig ang kamay niya nang tignan ko ito. Tinapik ko ang likod niya. "Kaya mo 'to, hindi naman kita ipapalaplap sa kanila, ipapakilala lang." Pagbo-bost ko sa confidence niya. Pinatayo ko siya saka naglakad-lakad kami aa park hanggang sa makakita kami ng gwapo na sa tingin ko ay bagay sa ganda ni Zila, pero mukhang hindi ko na kailangan na humila pa ng lalaki dahil ang mga lalaki mismo ang lumapit kay Zila. "Oum, hi miss. May I know your name?" "Miss can I have your number?" Dimunog ng tatlong lalaki si Zila.
ปรับปรุงล่าสุด : 2025-07-03 อ่านเพิ่มเติม