"Ma'am bakit na rito po kayo?" Gulat na tanong sa'kin ng mama ni Zila. Malumanay ko siyang nginitian. "Dito po muna ako, Manang. Nakakasawa na po kasing matulog kasama si Rexier," aniya ko sa kanya. Half lie, half truth. Totoong nasasawa na akong kasama matulog si Rexier, hindi dahil sa nababagot ako sa presensya niya, kundi ang nasaktan at nagtampo ako sa bumungad sa'kin kanina. "Puwede po bang dito muna ako?" Tanong ko saka tinuro ang higaan nila. "Puwede namang sa sahig lang ako, wala naman pong problema sa'kin." Umiling-iling sila. "Ay hindi po, ma'am. Dito na po kayo sa kama, makikitabi po muna ako ng tulog sa ibang katulong sa kabilang kwarto, kayong dalawa na lang po muna rito ni Zila." Hindi na ako nagprotesta pa, pumayag ako sa kanya. "Maupos muna kayo rito, ma'am. Aayusin ko po muna ang kama, mahirap na't baka may alikabok, buntis pa naman kayo, baka mapano si baby." Aniya saka inilahad sa'kin ang upuan. Naupo ako roon at pinagmasdan sila mag-ina na nag-
Last Updated : 2025-07-02 Read more