WARNING 18+Mahigit tatlong buwan na ang nakalipas. May kalakihan na ang tiyan ko at halata na ang pagbubuntis ko. Simula noong pinarusahan ako ni Rexier sa garden, naging maayos ang pagsasama namin. Hindi na kami nag-aaway, minsan ay naiinis ako sa kanya, dala na rin ng pagbubuntis pero wala lang iyun para sa kanya, binabalewala niya lang ang pagkainis. Minsan nga imbis mainis o magalit sa'kin, tatawa lang siya na para bang nakakatawa ang ginagawa ko. "Ma'am bawal nga po sabi ni boss," saad ni Cyrus, siya ang iba na mukha sa kambal na body guard. Umiling-iling ako. Pilit kong inaabot ang bayabas sa puno. "Kami na po ang kukuha ma'am, baka mapano pa po kayo," saad niya ulit. Umiling nanaman ako, naiinis na sa kanya. Napapadyak ako sa inis, matalim ko siyang tinignan. "Ang pangit ng kamay mo, ang pangit mo. Ayaw ko sayo, gusto ko ako ang pipitas," mataray na sabi ko. Wala lang naman sa kanila ang sinasabi ko. Kapag kalma ako, naghihingi ako ng sorry sa kanila, sabi naman nila a
Huling Na-update : 2025-07-22 Magbasa pa