Tahimik akong pumasok sa kotse, ramdam ang panlalamig ng batok ko at bilis ng tibôk ng puso ko. Nang tuluyan na akong makaupo, sinara ko ang pinto at bahagyang napatingin sa salamin at agad na nagbawi nang tingin nang magtama ang mata namin ni Keaton. Hindi ko maiwasang mapamurá sa aking isipan. Ang lamig ng mga mata niya, parang galit o baka ako lang 'tong nag-aassume? Kinalma ko ang sarili at yumuko nanh hindi na magtama ang tingin namin. Kung kanina sa bahay, nakikipagbangayan ako sa kanya, ngayon parang... hindi ko na magawa. Hindi naman sa natatakot ako sa kanya, kinakabahan lang. Eh kasi sabi ba naman na hintayin ko sila pero ako itong pasaway, tumakas. Muntik pa akong abutan no'ng mga lalaki sa daan. Mas nakakatakot 'yon at tingin ko 'yon ang ikinagagalit niya. Humugot ako ng malalim na paghinga at pinagdaop ang palad. Kalma lang, Mari. Hindi siya mangangain. Tingin lang 'yan, hindi nakakamatay. Pero hindi eh, tumatagos, katulad ngayon. Hindi ko alam kung sa daan ba si
Last Updated : 2025-09-14 Read more