Bandang alas otso na ng gabi, habang abala ako sa pag-aayos ng mga gamit sa kusina, biglang lumapit si Khalil. “Mari, pinapatawag ka ni Keaton,” bigay alam niya habang nakapamulsa. “Sa kwarto niya. Now.” Napalunok ako. Agad akong nagpunas ng kamay sa apron ko at tumango. “O-Opo.” Ramdam ko agad ang kaba habang naglalakad paakyat sa second floor. Hindi ko alam kung ano ang rason. Hindi naman siya madalas magpatawag nang ganito kapag gabi, lalo na’t kakauwi lang ng media kanina. Pagbukas ko ng pinto ng kwarto niya, nakita ko agad siya. Nakaupo sa harap ng malaking table, may laptop, ring light, mic, at may dalawang camera na naka-set up. Suot pa rin niya ang wask suit niya, pero ngayon, mas relaxed na ang ayos, medyo nakatanggal na ang necktie, pero naka-mask pa rin siya. “Mari,” malamig na tawag niya, “Come here.” “Po, Sir?” “You’ll hold the cam for me. Fan meet live.” Walang pagbabago sa boses niya, deadpan lang. “Just stand here. Hold it steady. No shaking.” Tumango ako, medy
Last Updated : 2025-07-15 Read more