Dalawang araw na akong nagpapahinga dahil sa nangyari. Si Khalil at Keaton, palaging nagdadala ng pagkain o gamot kapag binibisita nila ako sa aking kwarto, pero mas madalas si Keaton. Wala si Yumi. Sa loob ng dalawang araw na ‘yon, wala akong narinig o nakita. Akala ko tuluyan na siyang nawala. Akala ko, tapos na. Pero kinabukasan, bumalik siya. Pagbaba ko para maglinis ng sala, nadatnan ko siyang nakaupo sa sofa, kasama si Khalil at Keaton. Si Yumi, mukhang bagong gising. Walang makeup, pero may luha sa mata. “Keaton, please,” halos gumaralgal ang boses niya. “Let’s talk.” Tahimik lang si Keaton, nakaupo sa sofa. Si Khalil, nakatayo lang sa gilid, walang balak mangialam. Ako, tahimik lang din. Hindi ko alam kung aalis ako o mananatili. “Sorry,” sabi ni Yumi, pero hindi sa akin. Kay Keaton siya nakatingin. “Sorry kung naging makulit ako. Sorry kung nagkamali ako.” Nanatiling walang imik si Keaton. Hanggang sa napabuntong-hininga siya. “Stop being childish, Yumi. Hindi ka na b
Huling Na-update : 2025-07-11 Magbasa pa