Habang tahimik kaming kumakain, napansin kong panay sulyap si Shaun sa akin habang sumasandok ng kanin mula sa maliit na kaldero. Sanay naman siya sa ganito dahil sa akin o nag-adjust lang din dahil mayaman siya tapos mahirap ako. “Mari,” tawag niya bigla kaya napatigil ako sa pag-inom ng tubig. Lahat ng mata, pati na rin ni Keaton, ay napatingin sa amin. “May sasabihin sana ako.” “Ano po ‘yon?” tanong ko, medyo kinakabahan, kasi bihira siya magsalita nang gano’n sa harap ng iba. “Actually,” simula niya at umayos ng pagkaka-upo, “I’m starting a small publishing company. Kaka-register pa lang last week. Independent lang siya, hindi malaki, but we’ll need staff.” Tumagal ang tingin ko sa kanya, nakakunot ang noo. “Publishing, po?” “Yeah. House for small authors, local writers. We'll produce books and the likes. Since nakita ko ‘yung progress mo sa TESDA, at sinabi mong gusto mo ng stable job… I was thinking if you’d like to work with me.” “Me?” Tinuro ko ang sarili. Hindi
Last Updated : 2025-07-21 Read more