Habang papasok na si Bernard sa kotse ng mga pulis, todo ang pagwawala nito. “Walang kwenta kayong lahat!” sigaw niya habang nakaposas, nagpupumiglas sa mga kamay ng mga pulis na humahawak sa kanya.“Sir, dahan-dahan lang. You have the right to remain silent,” sabi ng isa sa mga pulis, pero biglang kumilos si Bernard—mabilis at desperado. Sa hindi inaasahan ng lahat, nagawa nitong agawin ang baril mula sa baywang ng isang pulis.“Put your gun down, Bernard!” sigaw ni Rafael, agad na nagtutok ng baril pabalik.Ngunit bago pa siya makakilos, narinig na lang nila ang malakas na putok.“Rafael!” sigaw ni Nica, sabay takbo patungo sa kaniya. Pero sa isang iglap, hindi kay Rafael o sa kanya tumama ang bala kundi kay Camilla, na mabilis na humarang sa pagitan nila.Tumama ang bala sa dibdib ni Camilla. Napaupo siya sa sahig, at mula sa labi niya ay lumabas ang dugo. Napatili si Nica, sabay takbo at lumuhod sa tabi niya.“Camilla! Camilla, huwag kang pumikit! Please!” sigaw ni Nica, nangingi
Última actualización : 2025-10-15 Leer más