Share

Kabanata 101

Author: Deigratiamimi
last update Last Updated: 2025-10-11 02:34:10

Tatlong buwan ang lumipas mula nang mahulog si Agnes sa hagdan at tuluyang mawalan ng malay. Tatlong buwan na ring araw-araw na binabantayan ni Nica ang ina sa ospital—minsan mag-isa, minsan kasama ang amang si Gerald, at madalas ay kasama si Rafael, ang fiancé niya. Lahat sila, araw-araw naghihintay ng kahit anong senyales ng paggising.

Umaga iyon, tahimik ang kwarto. Naroon si Nica, nakaupo sa tabi ng kama ng ina habang pinupunasan ng basang bimpo ang kamay nito. Halos hindi na siya umuuwi. May mga pagkakataong dito na siya natutulog sa upuang bakal na nilagyan niya ng maliit na unan.

“Mom, please gising ka na,” mahina niyang sabi habang pinisil ang kamay ng ina. “Ang tagal mo nang tulog. Miss ka na namin ni Daddy. Gusto ka na naming makita na nakangiti ulit.”

Walang tugon. Kagaya ng dati. Pero ilang segundo pa lang ang lumipas, napansin ni Nica na parang kumislot ang mga daliri ni Agnes. Napasinghap siya.

“Mommy?” tawag niya ulit, halos hindi makapaniwala. “Mommy, naririnig mo ba a
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Cold Billionaire's Forbidden Maid   Kabanata 111

    Naroon pa rin si Nica sa tabi ng katawan ni Camilla habang nakahiga ito sa stretcher, natatakpan ng puting tela. Tahimik lang siyang umiiyak, hindi alintana ang mga tao sa paligid. Paminsan-minsan ay pinupunasan niya ang sariling luha gamit ang panyo, ngunit agad ding sumusunod ang panibagong agos.“Gusto ko lang… gusto ko lang sanang may pagkakataon pa siyang magbago,” mahina niyang sabi habang nakatingin kay Camilla. “Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari… sana hinayaan na lang kitang makatakas.”Lumapit sa kanya si Rafael. Mahigpit siyang hinawakan nito sa balikat. “Nica, hindi mo kasalanan ang lahat ng ‘to,” mahinahon nitong sabi. “Ginawa mo ang lahat para mailigtas siya, kahit ilang beses ka na niyang sinaktan. Camilla made her choice. At least… sa huli, pinili niyang gawin ang tama.”Umiling si Nica. “Pero bakit kailangan pa niyang mamatay, Rafael? Pwede naman siguro siyang mabuhay at magsimulang muli. Pwede naman sanang pagbayaran niya ang kasalanan niya sa maayos na paraa

  • The Cold Billionaire's Forbidden Maid   Kabanata 110

    Habang papasok na si Bernard sa kotse ng mga pulis, todo ang pagwawala nito. “Walang kwenta kayong lahat!” sigaw niya habang nakaposas, nagpupumiglas sa mga kamay ng mga pulis na humahawak sa kanya.“Sir, dahan-dahan lang. You have the right to remain silent,” sabi ng isa sa mga pulis, pero biglang kumilos si Bernard—mabilis at desperado. Sa hindi inaasahan ng lahat, nagawa nitong agawin ang baril mula sa baywang ng isang pulis.“Put your gun down, Bernard!” sigaw ni Rafael, agad na nagtutok ng baril pabalik.Ngunit bago pa siya makakilos, narinig na lang nila ang malakas na putok.“Rafael!” sigaw ni Nica, sabay takbo patungo sa kaniya. Pero sa isang iglap, hindi kay Rafael o sa kanya tumama ang bala kundi kay Camilla, na mabilis na humarang sa pagitan nila.Tumama ang bala sa dibdib ni Camilla. Napaupo siya sa sahig, at mula sa labi niya ay lumabas ang dugo. Napatili si Nica, sabay takbo at lumuhod sa tabi niya.“Camilla! Camilla, huwag kang pumikit! Please!” sigaw ni Nica, nangingi

  • The Cold Billionaire's Forbidden Maid   Kabanata 109

    Pinalibutan ng mga pulis ang safe house ni Bernard. Umaalingawngaw sa paligid ang tunog ng mga putok at sigawan ng mga tauhan. Makikita ang mga pulis na sumusugod, at si Rafael mismo ang nag-uutos sa mga kasamahan niya. May tama na siya ng bala sa balikat at binti, pero matindi pa rin ang determinasyon sa mukha niyang mailigtas si Nica.“Sir, kailangan n’yo nang umatras! You’re wounded!” sigaw ng isa sa mga pulis na kasama niya.Umiling si Rafael, hinihingal siya pero nanatili pa ring matatag. “No! Hindi ako aalis hangga’t hindi ko nakikita si Nica! Naririnig n’yo ba ako? Buhay siya ro’n—at ako ang magliligtas sa kaniya!”Napamura siya nang biglang may sunod-sunod na putok ng baril. Agad siyang sumilong sa isang nakataob na mesa at binunot ang baril. “Damn it!” bulong niya. “Nasaan ka, Nica…”Nang sumilip siya muli, nakita niya sa hindi kalayuan ang isa sa mga tauhan ni Bernard na mabilis na tumatakbo papunta sa likod ng bahay. Sinundan niya ito, kahit ramdam niya ang kirot ng sugat

  • The Cold Billionaire's Forbidden Maid   Kabanata 108

    Nakatali pa rin si Nica sa kama, bakas ang takot at pagod sa mukha, pero hindi nawawala ang determinasyon sa mga mata niya. Nililingon niya si Camilla na nakatayo sa gilid ng kama, ang mukha nito ay magulo at may halong takot at galit. Pilit na kinakalma ni Nica ang sarili bago magsalita.“Camilla,” mahinang tawag niya, “please. Makinig ka sa akin nang isang minuto lang. Hindi na ako tatakbo. I will make sure hindi ka na haharap sa mga Luceros. I’ll give you everything—my inheritance, lahat.” Huminga siya nang malalim. “Kung pakakawalan mo ako ngayon, aalis ako nang malayo. Hindi na kita hahanapin. Promise ko. Hahayaan kitang mabuhay ng tahimik.”Napatingin si Camilla sa kanya, kitang-kita ang pag-aalangan. “Ano ba talaga ang gusto mo, Nica? Gusto mo ba ng kapatawaran? Hindi mababayaran ng kayamanan ang pagsira ninyo sa akin, Nica. Pakiramdam ko parang gusto ninyong pati buhay ko mawawala na sa inyo eh.” “Hihiling lang ako na huwag mong gagawin ito sa pamilya natin. They didn’t deser

  • The Cold Billionaire's Forbidden Maid   Kabanata 107

    Paulit-ulit na napamura si Rafael habang nakaupo sa maliit na conference room sa Watson residence. Bukod sa galit, ramdam niya ang takot — hindi lang para kay Nica kundi para sa buong pamilya. Lumipas ang ilang minuto at wala pa ring trace sa numero na tumawag kay Agnes. Pati ang operator ng telepono ay hindi ma-trace ang origin ng tawag; burner sim, masked call—lahat ng sinubukan nila ay dead end.“Fuck!” sigaw ni Rafael, at nagtaas pa ng boses nang tumunog ang telepono at walang ibang pumipigil sa kanya. “Three hours. Three hours! Anong klaseng tao ang gagawa ng ganito?”“Nagpa-file na kami ng missing person report,” sagot ng isang aide, nagta-type sa laptop habang nagpapakita ng log. “Pero ang bumihag, sabi sa kanila at pinagsabihan sila — na kung magpaapulis kayo, papatayin nila si Nica. Hindi lang ‘yan, may threat pa na kung magsalita si Agnes na si Camilla ang nagtulak, papatayin din nila si Nica.”Humigpit ang hawak ni Rafael sa telepono. “So basically, napilit nilang manahimik

  • The Cold Billionaire's Forbidden Maid   Kabanata 106

    Nakatali si Nica sa kama ng maliit na silid sa safe house. Leather straps ang ginagamit nila para hindi makagalaw ang mga kamay niya; ang mga paa niya ay mahigpit ding nakaangat sa footboard. Nakakulong siya sa isang silid na maliit ang bintana at may kurtinang nakasara, para hindi makita ng kahit sino ang loob. Pagod ang mukha niya—may pasa sa labi at kaunting sugat sa panga—pero matindi pa rin ang init ng galit sa mga mata niya.Lumabas si Camilla mula sa kusina na may dala-dalang plato at isang baso ng tubig. Halata sa mga kilos niya na pinipilit niyang maging mahinahon; pero ang mga kamay niya ay nanginginig. Nilagay niya ang plato sa maliit na sidetable at lumapit nang dahan-dahan.“Here,” sabi ni Camilla, mahina at pilit na kalmado. “Kain ka na. Baka gutom ka na.”Tumingin si Nica, hindi inangat ang ulo. “Ikaw ba ‘yan? Bakit ako kakainin ng pagkain mula sa iyo?” tanong niya.“Hindi naman kita lalasunin kahit gaano pa kalaki ang galit ko sa 'yo. Wala itong lason,” sagot ni Camill

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status