Miracles do not happen without hardwork. Ganito ang paniniwala ni Lexy. Posible lang ang isang himala kapag iyon ay pinagpagurang makamit at umaasa siya na makukuha niya iyon nang hindi kailangang may mapahamak o mayroong buhay na masasakripisyo. "Hinangad ko rin namang gumanti, Ate Psalm, dahil sa ginawa ng mag-inang iyon sa akin noon. Hindi ko nga alam kung tapos na ba ako sa trauma na dinulot nila. Laking pasalamat ko at dumating si Darvis sa buhay ko. Noong nakilala ko siya roon sa isla naramdaman kong may mabigat din siyang pinagdaanan kaya siguro mabilis na kumonekta ang feelings ko sa kaniya. Para kaming naging antidote sa isa't isa, pinaghilom ang sugat sa nakaraan," pahayag ni Lexy habang inaayos ang kaniyang higaan. Nasa Moon Villa siya. Roon muna siya nag-stay habang nasa abroad si Darvis. Tumulong din kasi siya kay Ymir sa pagkalap ng mga katibayan sa fake marriage niya kay Jacob. Naupo sa kama si Psalm at hinawakan ang kaniyang kamay. "Lexy, hindi naman bawal ang guman
Last Updated : 2025-11-23 Read more