Almost 90% na ng mga bisita ang present matapos ang masaganang hapunan. Doon na rin ipinahayag ni Don Romano ang announcement at dahilan kung bakit na-organisa ng banquet ang luxury villa. "May I have your attention, friends and esteemed guests! This evening I would like you to meet my one and only granddaughter. The real Felizz Angeliq Samaniego, but right now, bearing her name, Psalm Hermosa!" Tumama ang spotlight kay Psalm na yakap ni Ymir at kinukulit na naman. Natatawang kumawala ang babae sa bisig ng asawa at kumaway sa crowd. Tila mega-bomb ang announcement na iyon na gumulat sa bawat bisitang dumalo, kabilang na sina Darvis at ang mga magulang nito. Lumutang ang mga tanong mula sa iilan."Sino 'yong isang Felizz?" "Oo nga, 'yong napabalita, di ba?""Baka nagpanggap lang, hindi iyon pormal na ipinakilala ni Don Romano gaya nito.""Everyone, the previous girl who appeared in the villa using the name of Felizz is none other than Pearl Hermosa. But I would also like to clarify
Last Updated : 2025-09-10 Read more