Lunes pa lang ng umaga pero masisira na yata ang araw ni Psalm at baka buong linggo pa niyang dadalhin ang negatibong energy na pasalubong ng dalawang bisita niyang naghihintay sa waiting area ng operations department. Sina Senyora Matilda at Pearl, acting Felizz. Sa hilatsa pa lamang ng mga mukha ng dalawa'y halatang naghahanap ng gulo. Tama lang din na hindi pinapasok ni Fred ang mga ito sa office niya. "Madam, hindi ko po sila maawat, I'm sorry po..." hindi magkamayaw sa paghingi ng tawad si Frederick."Okay lang, Fred. I will talk to them." Tinapik niya ito sa likod at tumuloy sila sa waiting area. "Pero mukhang hindi po sila nandito para makipag-usap.""So, nandito sila para makalbo?" Tumikwas ang kilay ni Psalm.Natawa si Fred sa terminong ginamit niya. "Sige, Madam, kung kailangan mo ng resbak, nandito lang kami. Nasabihan ko na ang staff kanina na maging alerto. Sumigaw ka lang.""Iyon naman pala, walang dapat ikatakot. Sila ang matakot sa akin." Bumungisngis siya. "Go, Ma
Terakhir Diperbarui : 2025-08-26 Baca selengkapnya