Nabura ang ngiti sa mukha ni Pearl nang magtagpo ang mga mata nila ni Psalm. Parang may malaking kamay na sapilitang hiniklas paalis sa sistema niya ang masayang pakiramdam. Bakit nandito ang ate niya? Babalik na ba ito ng mansion? Kung mangyari iyon baka ituloy ni Darvis ang pagpapalayas sa kaniya. "Pearl, di ba sabi ko huwag kang lumabas sa kuwarto?" iritadong angil ng lalaki, nasa tono ang panic. "Sorry, kuya, narinig ko kasing narito si ate kaya bumaba ako para makita siya." Nahulog ang paningin niya sa kamay nito nakahawak sa siko ni Psalm. Nagkunwari siyang naiiyak. "Ate, please bisitahin mo sa kulungan sina Mom and Dad, nami-miss ka na raw nila," iingos-ingos niyang sabi."Busy ako, wala pa akong time na gawin iyon. Paano, Darvis? I have to go, marami pa akong aasikasuhin sa studio." Nagpaalam si Psalm, naka-poke face.Pumalakpak ang puso ni Pearl nang marinig ang sinabi ng kapatid. Kung ganoon mali siya ng akala. Hindi pala babalik dito sa mansion ang ate niya. Sa kaniya pa
Last Updated : 2025-07-16 Read more