Share

Chapter 61 - move in

Author: Redink
last update Last Updated: 2025-07-12 13:56:33

Naubos ni Psalm ang juice na ibinigay ni Lui sa kaniya. Nasa office pa rin siya ni Ymir at naghintay na makabalik ang doctor. Tinawagan ito kanina para sa emergency surgery. Hindi muna siya nito pinababalik sa hotel at baka inabangan daw siya ni Darvis doon. Isa sa mga staff nito ang pumunta para sunduin si Chowking at dalhin dito.

Dahil sa stress at kulang sa tulog nang nagdaang gabi ay nakatulog siya sa couch. Nagising lang siya nang maramdaman ang banayad na haplos sa kaniyang noo. Binuksan niya ang mga mata.

"You're sweating despite the full blast air-condition. Okay ka lang ba?" Si Ymir na naka-bent sa sahig ang isang tuhod at pinunasan sa likod ng palad ang pawis niya sa noo. Maingat din nitong hinaplos ang pisngi niya.

Bumangon siya. Nagkusot ng mga mata at humikab. "Sorry, nakatulog pala ako. Si Chowking!" bulalas niyang agad dinakma ang pusa na natutulog sa may paanan niya.

Natawa sa kaniya ang doctor. "Naglaro kami kanina pagdating ko. She's adorable like you."

"Meaning, muk
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (4)
goodnovel comment avatar
Cristy Bathan
salamat po sa update
goodnovel comment avatar
Alas Gatacelo
Subrang nainis nah aq sayo pearl sna matigok kna
goodnovel comment avatar
Mi Chelle
gaga ka talaga linta ka keep on dreaming ka na lang hmmpp..kuhang kuha ko bwisit ko linta.thanks sa update
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE   Chapter 64 - true queen

    "Hoy, ikaw! Halika at ilipat mo sa sulok ang vase na ito. Ang pangit tingnan dito," utos ni Pearl sa katulong habang naglibot sa sala at feel na feel ang pagiging reyna."Ms. Hermosa, si Madam po ang nag-arrange ng vase na iyan-""Ako na ang bago mong Madam, sundin mo ang utos ko kung ayaw mong sipain kita! Nasaa na ang tubig na hiningi ko!" Ibinagsak nito ang sarili sa sofa."Heto po, Ms. Hermosa." "Bakit malamig na tubig ito? Ang sabi ko, lukewarm water dahil maasim ang sikmura ko! Mga walang silbi! Bingi ba kayo?" bulyaw nito. Naningkit ang mga mata ni Psalm na kapapanhik lang ng sala. Kung makautos ang gaga sa kasambahay parang ito ang nagpapasweldo. Wala sana siyang balak na sumugod dito nang wala ang asawa niya sa bahay at baka masabihan na naman siyang bully. Pero nang tumawag siya kanina, sabi ni Zeta ay maagang pumunta ng opisina si Darvis. Ngayon heto ang basurang kabit. Naiwan at kinukunsumi ang mga kasambahay. "Malamig ba? Akin na." Hinablot niya ang basong hawak ng kap

  • PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE   Chapter 63 - welcome home

    "Nasabi sa akin ni Lui na nasa mansion ang kapatid mo."Nahinto si Psalm sa paghiwa ng steak at tumingin kay Ymir. Nag-dinner sila roon lang sa villa. Pa-welcome raw nito sa paglipat niya roon."Para hindi na sila mahihirapang magtago, di ba? Hindi ko na sila iintindihin pa, mamumuti lang ang buhok ko. Gusto kong mag-focus sa designing ngayon habang hindi pa fully ripe ang plano ko. As long as they stop pushing my buttons, they can enjoy the remaining days without me." Itinuloy niya ang paghiwa at tinusok ng tinidor ang chunk ng steak, isinubo. "Ang sarap nito!" bulalas niya. "I'm glad you like the taste. Nag-alangan akong baka i-reject na naman ng sikmura mo."Si Ymir mismo ang nagluto ng mga pagkain niya. Tumulong lang siya sa paghahanda ng mga sahog pero nanood na rin siya para matuto ng kunti. Solo na siya rito. Marunong naman siya kahit papaano sa mga gawaing bahay kaya keri lang ang lahat. "May schedule na ako kung kailan tayo magliliboot sa mga market para sa raw materials. B

  • PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE   Chapter 62 - quick return

    Pabalik-balik sa utak ni Pearl ang sinabi ni Darvis na tanging si Psalm lang ang pwedeng maging reyna ng mansion. Kunti na lang ay masisira na ang utak niya sa galit at selos. Bakit ba ang hirap alisin ng kapatid niya sa sistema ng lalaki? Hindi lang iyon, para bang lahat ng eligible bachelor na pwedeng pangarapin ng mga babae ay mabilis lang kung makuha ni Psalm ang atensiyon. Wala namang special doon sa kapatid niya.Pero kailangan niyang kontrolin ang sarili. Siguro, saka lang siya matatanggap ng lubusan ni Darvis kung patay na si Psalm. Naglibot ang mga mata niya sa buong master bedroom. Dito natutulog dati ang ate niya pero ngayon ay heto siya, nakahiga sa kaparehas na kama kung saan ito humihilata. May naisip siya ideya.Kinuha niya ang cellphone at nag-selfie. Agad niyang ipinasa ang photo sa chatbox ni Psalm. Siguro naman pamilyar dito ang silid at hindi na niya kailangang sabihin na naroon siya sa kuwarto dati ay inuokupa nito kasama si Darvis.Naghintay siya na makita nito

  • PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE   Chapter 61 - move in

    Naubos ni Psalm ang juice na ibinigay ni Lui sa kaniya. Nasa office pa rin siya ni Ymir at naghintay na makabalik ang doctor. Tinawagan ito kanina para sa emergency surgery. Hindi muna siya nito pinababalik sa hotel at baka inabangan daw siya ni Darvis doon. Isa sa mga staff nito ang pumunta para sunduin si Chowking at dalhin dito.Dahil sa stress at kulang sa tulog nang nagdaang gabi ay nakatulog siya sa couch. Nagising lang siya nang maramdaman ang banayad na haplos sa kaniyang noo. Binuksan niya ang mga mata."You're sweating despite the full blast air-condition. Okay ka lang ba?" Si Ymir na naka-bent sa sahig ang isang tuhod at pinunasan sa likod ng palad ang pawis niya sa noo. Maingat din nitong hinaplos ang pisngi niya.Bumangon siya. Nagkusot ng mga mata at humikab. "Sorry, nakatulog pala ako. Si Chowking!" bulalas niyang agad dinakma ang pusa na natutulog sa may paanan niya.Natawa sa kaniya ang doctor. "Naglaro kami kanina pagdating ko. She's adorable like you.""Meaning, muk

  • PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE   Chapter 60 - bad effect

    "Sumama ka sa akin, mag-usap tayo..." may pagsusumamo sa tono ni Darvis at akmang hahawakan niya si Psalm.Pero itinulak siya ni Ymir Venatici at humarang ito sa pagitan nila ng asawa, pinapakitang pinoprotektahan nito si Psalm mula sa kaniya. Naging baliktad na ngayon, sa halip na siya ang magtatanggol sa asawa niya, biglang siya ang lumalabas na kontrabida rito?"Ano'ng gusto mong patunayan, Dr. Venatici? Problema namin ito ng asawa ko, labas ka na rito!" angil niya."Wala na siya sa poder mo, Darvis, palagay mo'y may karapatan ka pang obligahin siyang kausapin ka nang kayo lang? At ano ba iyang sasabihin mo sa kaniya na hindi ko pwedeng marinig? Aaminin mo na ba ang kagaguhan mo?" Napalunok si Darvis. Mababakas sa himig ng doctor na may alam ito sa private affairs niya. May tendency bang sinabi nito kay Psalm kaya nagdesisyon ang asawa niyang umalis sa bahay nila? Pero kung alam na nga ni Psalm, bakit hindi siya nito kinompronta? Hindi niyang ipilit ang gusto sa ngayon. He decide

  • PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE   Chapter 59 - fight

    "Mabuti at nagdesisyon ka nang umalis ng bahay n'yo. I will send Lui to you in case you need some assistance. Do nor overdo yourself, alalahanin mong buntis ka," pahayag ni Ymir at tinanguan si Amara na pumasok ng opisina niya.Kausap ng doctor sa cellphone si Psalm. Binalita sa kaniya ng babae ang pag-alis nito ng mansion kagabi. Tumutuloy ito ngayon sa Holiday Capital Hotel. May investment doon ang babae sa pagkakaalam niya. "Okay lang ako, Ymir. Maayos na kami ni Chowking dito. Nagka-problema lang ako ng kunti sa papers niya kagabi dahil naiwan ko roon sa mansion. Buti na lang pet lover ang manager. Binigyan ng consideration si Chowking.""How about your personal provisions? I can ask Lui to buy some items for you and your cat." Itinuro ni Ymir sa pinsan ang couch. "Hindi na. Lalabas ako mamaya at isasama ko si Chowking, bibili kami ng ilang gamit.""Aabangan ka lang ni Darvis at baka mapilit ka na naman ng lalaking iyon na umuwi sa bahay ninyo. Si Lui na ang papupuntahin ko at s

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status