Kagaya ng pamilya Larson, bilyonaryong pamilya rin ang mga Vandervilt. Mahahalintulad sila mga maharlika at hindi basta-basta magtitiwala o lalapitan ng iba. Sa ganoong rason kaya nangagalaiti si Gisella pati ang asawa niya. Matagal na nilang narinig sa mga tsismis na may magandang relasyon ang pamilya Vandervilt kay Aella ngunit hindi sila naniwala dahil wala namang patunay. Labis ang kanilang pagsisisi nang masaksihan ang kaganapan ngayon. Nagulat si Gisella at sinampal ng malaking selos. Tumikhim si Salvatore Larson. Humakbang palapit sa bisita ng manugang, dapat niyang batiin ang mga ito bilang head ng pamilya. Kabado s'ya pero nilakasan ang loob. "Mr. Vandervilt, hmm... I didn't expect you to come to our family's banquet tonight. Minsan lang nangyayari ang ganito, sana hayaan mong paunlakan namin kayo," magaling niyang bati. Lumapit din si Gisella, at pinilit ngumit. "Oh yes, what a tremendous honor it is to have you grace us with your presence, Mr. Vandervilt. Do join h
Last Updated : 2025-07-11 Read more