Naligo kaagad si Aella nang umapak siya sa kanyang silid. Kinuskos niya ng mabuti ang katawan upang matanggal ang lahat ng amoy ni Theodore na kumapit sa balat niya. Kinagat niya ang ibabang labi–diring-diri pa rin siya tuwing maalala ang halik nito. Gusto n'yang magwala at paghigantihan ang pambababoy nito.Gabi na nang lumabas siya ng shower room. Pinagmasdan niya ang natutulog na anak, tinabihan n'ya ito at naamoy niya ang amoy gatas nitong bango na kayang tunawin ang puso n'ya. Sa isang iglap ay nawala kirot sa kanyang dibdib. Niyapos niya't hinagkan sa ulo hanggang sa makatulog siya.Kinaumagahan, dinilat niya ang mga mata nang mararamdaman ang ulo na humahagod sa kanyang balikat. Ngumiti s'ya nang makita si Angelica, para itong naglalambing na pusa. Gigil niyang niyakap at hinagkan sa noo."Good morning, baby ko," banayad n'yang bulong."Good morning, mommy," nakangiting tugon nito sa baby voice.Bumaba sila ng kama, tumungo ng banyo para paliguan ito. Ilang saglit ay kumakain n
Last Updated : 2025-07-05 Read more