"Mas mainam na idadaan namin sa korte! Sa ayaw niya't sa gusto, wala na siyang magagawa!" ani Aella sa determinadong tono. "Hindi ko hahayaan na baliwalain niya ulit ito. Sisiguraduhin kong magsisisi s'ya sa ginawa niya amin ng anak ko." Masayang tumango si Sandra, sumubo muna ng pizza at pinakita ang one hundred percent support sa kanya. "Teka, pagkatapos nito ay pupuntahan natin ang pisan kong abogado," anito at sumubo ulit. "Salamat," anas niya. "Sana magtagumpay ka this time," bulong ng kaibigan. Tipid na ngti lamang ang ginanti niya. Sandali muna silang kumain. Inibos ang malaking pizza at dumiretso na sa opisina ng pinsan nitong abogado. "S'ya si Attorney Raymundo Laxamana, ang matandang huktuban kong pinsan," imporma nito. "Alam na niya ang tungkol sa sitwasyon mo, siya kaya ang gumawa ng drafts noon. Wala ng maraming introduction, meet and greet agad kayo." Hindi n'ya mapigilan ngumiti, sadyang pinagpala siya ng kaibigan na may motto na 'you only live once, kaya dapat in
Last Updated : 2025-07-08 Read more