"Tonight, Mr. Vandervilt's granddaughter is hosting a cocktail party. Please attend on my behalf. There’s an international fashion collaboration in the works, and Leulla Vandervilt is leading the project this time. Make sure to establish a good connection—it could open doors for our global expansion," pagbibigay alam ni Raffaelo nang sagutin ni Aella ang tawag nito. "Okay, noted," aniya. Nagpatuloy ito. "I'm out of town right now, so I might get home late. I’ll just ask my secretary to bring you the plans first." "Okay, naiintindihan ko." Binaba na nito ang tawag at matamlay siyang umupo sa sofa. Bawal siyang tumutol dahil nakaugnay na ang karera n'ya ngayon kay Raffaelo Conti, at marami na itong inambag na tulong sa kanya. Mapipilitan s'yang dumalo sa ganitong event para sa ikakaunlad niya. Bahala na, sa isip-isip niya. Humugot siya ng malalim na hininga at napabaling sa papel na nakapatong sa lamesita. Nandoon pa rin ang drawing na sinira ng salbaheng bata. Iyon ang pinaka
Last Updated : 2025-07-04 Read more