"Y-Ynez, w-wag nalang tayong tumu—" "Ms. Ynez, Ms. Althea!" Hindi natuloy ni Althea ang gusto niyang sabihin dahil lumingon na rin si Mr. Tan at tinawag silang pareho. "Oh my god, mamsh! Kita mo yang papalicious sa tabi ni Mr. Tan? I can't believe na siya na yan? That chubby kid I met before?" Sa braso ko ibinuntong ni Ynez ang kilig niya. Para akong mabubuwal sa pag-alog niya sa braso ko. "Ang gwapo nya mamsh! I-add to cart mo na!" Pigil na tili nito dahil malapit na kami sa kanila. “I'm screwed!” Bulong ni Althea kay Ynez at parang may mga brakes ang mga paa niya at ayaw lumapit sa dalawang lalaki, pero ang kaibigan niya pilit siyang hinihila sa mga ito. Nakangiti at kumakaway si Mr. Tan sa kanila, ang mga tingin nito ay hindi maalis kay Althea at puno ng paghanga. SAMANTALA, nagulat naman si Giovanni ng makita ang pamilyar na babae. Pero agad na napalitan ng malamig, at unapproachable na aura ang mukha nito ng tuluyan nang nakalapit ang dalawa. "Mr. Tan, Mr. Romanov, goo
Terakhir Diperbarui : 2025-06-22 Baca selengkapnya