Nang makatanggap ng notification ay agad iyong tiningnan ni Hendrix, lalo pa at galing iyon sa taong inutusan niya para sundan ang asawa. Ang larawan ay kuha sa labas ng isang boutique, at ayon sa maiksing mensahe na ipinadala ng spy niya ay kanina pa lumabas si Althea, nagpunta ito sa iba't ibang department stores at boutique. Bandang huli ay bumili ito ng suit panglalaki, at ngayon ay nagdadrive na pauwi. Napangiti si Hendrix sa nabasa. Ibinili siya ni Althea ng bagong suit? Hindi niya mapigilan ang saya niya. So she finally decided to stop being dramatic, at bumalik na sa dati bilang maalagang asawa. Napatingin siya sa suot niyang relo, it's still early, pero excited na siyang umuwi. ANG plano ni Althea ay ipadala agad ang suit pagkatapos niyang bilhin, pero hindi siya nakatanggap ng reply mula kay Arturo kaya wala siyang choice kundi ang umuwi. Hinagis niya ang paper bag sa sofa, at pagkatapos ay nagshower muna sa itaas. It's hot today, at pinagpawisan siya dahil halos na
Terakhir Diperbarui : 2025-06-24 Baca selengkapnya