"Sorry but I don't need it." Tumawa si Althea, at sandali namang naalis ang maskara ni Iris dahil nagsalubong ang mga kilay niya, bago ito bumalik sa nagtataka at may pahikbi-hikbi pang drama. "First of all, I'll never forgive you. Second, kailangan mo pa ng ilang taon sa acting workshop kung gusto mong may maniwala sa paiyak-iyak mo jan. Third, I already called the police, kaya this time, iiyak ka na talaga ng totoong luha. And lastly, your plan to ruin me last night failed, because someone saved me. Kaya wala akong sakit, at hindi ako mamamatay tulad ng gusto mong mangyari. Pero ikaw? Makukulong ka. So good luck with that." Kani-kanina lang ay sinusubukan pa ding magpaawa ni Iris, pero ngayon ay nanigas ang ekspresyon nito na parang nahanginan at hindi na bumalik sa dati."Really?" Wala ng pakialam pa si Hendrix sa lahat ng mga kaguluhang nangyari ngayon, ang mahalaga lang sa kanya ay nang marinig mula mismo kay Althea na naging ligtas siya at hindi talaga napahamak kagabi. He felt
Last Updated : 2025-07-02 Read more