Napatingin si Cheska sa akin, bahagyang nagtaas ng kilay. "Dito na titira? Sigurado ka?"Tumango ako at muling kumuha ng isang subo ng pagkain. "Oo. Sa totoo lang, Cheska, hindi ko alam kung kailan pa ako makakabalik sa bahay namin... o kung babalik pa ako." Saglit akong natahimik, pilit na nilulunok ang bigat sa lalamunan ko. "Pero ang sigurado ko lang, gusto kong tapusin ang pag-aaral ko. Yun na lang ang matitira sa akin."Napansin kong natigilan siya, tila iniisip ang isasagot. Alam kong gusto niya akong kumbinsihin na ayusin ang problema ko sa pamilya ko, pero sa ngayon, mas pinili niyang intindihin ako."Well, good for you," sagot niya sa wakas, may halong ngiti sa labi. "At least may plano ka pa rin. And for the record, hindi ako tatanggap ng boarder’s fee, ha?"Napatawa ako. "Wow, libre bahay at pagkain? Jackpot na 'to!""Libre pagkain? Aba, huwag kang umasa!" biro niya sabay turo sa plato ko. "Kung gusto mong kumain, matuto kang m
Last Updated : 2025-07-04 Read more