"Grabe, sikat na sikat ka talaga," sabi ko habang hinihintay na sumara ang pinto ng elevator."Alam ko naman ‘yun, pero gusto ko lang ulit ipaalala sa’yo," sagot niya, sabay kindat.Napailing na lang ako. Kahit saan talaga kami magpunta, Jayten will always be Jayten—at ako ang kaibigan niyang laging nadadamay.Nang makarating na kami sa harap ng pintuan ng dorm ni Cheska, huminga muna ako nang malalim bago pinindot ang doorbell. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya ang lahat, pero isa lang ang sigurado—kailangan ko siya ngayon.Ilang segundo lang, bumukas ang pinto, at agad akong sinalubong ng nagtatakang mukha ni Cheska. Halatang kakagising lang niya, nakapambahay pa, at bahagyang gusot ang buhok. Pero kahit ganoon, matalim pa rin ang tingin niya sa akin, parang may kutob na siya na may nangyaring hindi maganda."Gosh! May utang ka sa akin na chika!" agad niyang sabi, sabay hinila ako papasok. "Bakit ka umalis ng bahay?"
Last Updated : 2025-07-01 Read more