Nakapamewang ako habang nakaupo sa tapat ng guidance counselor. Sa harapan ko, si Villaflor—nakayuko, nagpapakaawa, kunwari’y isang biktima. Samantalang ako? Nandito lang, tahimik pero halatang iritable, kasi alam kong mali ang pagkakaupo ko rito."Call your parents," malamig na sabi ng guidance counselor president, habang ang assistant naman niya ay nakatitig sa akin na para bang ako ang pinaka-malaking problema sa mundo.Napangisi ako. "Pag tinawagan ko si Daddy, expect niyo na na ititigil niya ang pag-invest sa paaralang ito." Diretsahan kong sagot, walang kaba, walang alinlangan.Nakita ko kung paano nagpalitan ng tingin ang mga nasa silid. Kahit si Villaflor, napatingin bigla sa akin. Alam niyang totoo ang sinabi ko—hindi lang basta mayaman ang pamilya ko, may kapangyarihan din."Miss Smith, we don't tolerate that kind of attitude here—""Then don't," putol ko sa sinasabi ng presidente. "Pero hindi ako papayag na ako lang ang masisis
Last Updated : 2025-07-11 Read more