Para akong nababaliw sa kakasigaw ko sa loob ng kwarto. Pero kahit ano pang pagsigaw ang gawin ko, hindi ako kumakalma. Hindi nababawasan ang galit at inis ko.Gusto ko ngang magwala. Kaya iyon ang ginawa ko. Ang kama niya ang pinagdiskitahan ko. Ipinagbabato ko ang mga unan niya sa sahig. Tinanggal ko ang duvet sa kama at saka ibinato kung saan. Tinanggalan ko ng bedsheet ang kama. Pero hindi pa ako satisfied doon. Lahat ng mga nakalagay sa side table niya—yung digital clock, yung lampshade, at mga librong naroon—ipinagbabato ko na rin.The room was already a mess by the time Anton left the bathroom. Nang makita niya ang ayos ng kwarto, natigilan siya. He roamed his eyes around the messy room before looking at me.I expected him to get mad or at least be annoyed. Kaso, hindi iyon ang nangyari. He chuckled when he saw I was still mad and frustrated despite messing up the room.“You’re just punishing yourself, Andrea,” he said, laughing.Naglakad siya sa kwarto, iniiwasan ang mga bubog
Last Updated : 2025-06-30 Read more