Mabilis na tumingin si Clarissa kay Luis. Hindi man ito nagsalita, pero sapat na ang malamig pero matatag nitong tingin upang maghatid ng isang malinaw na mensahe: Don’t run from this. Face them head-on.Huminga siya nang malalim, pinilit ang sariling kumalma kahit pa ramdam niyang muling tumataas ang presyon ng dugo niya. Dahan-dahan niyang ibinaba ang bintana ng sasakyan, at saka ibinaling ang tingin kay Joaquin—ang lalaking minsan niyang minahal, pero ngayon ay isa na lamang bangungot ng nakaraan.“Joaquin,” malamig at litong tanong niya, “anong ginagawa mo rito?”Nagulat si Joaquin sa tanawing bumungad sa kanya—si Clarissa, nakaupo sa passenger seat ng isang mamahaling sasakyan, at sa tabi nito, isang lalaking halos hindi niya maaninag sa dilim. Tila ba may bagay na sumiklab sa loob niya, isang galit na hindi niya agad maipaliwanag.Napatigil siya saglit, pinakatitigan si Luis mula ulo hanggang paa, pero dahil sa mahina ang ilaw sa parking lot, halos anino lang ang anyo ng lala
Magbasa pa