Pagka-end ng tawag, hindi na nag-aksaya ng oras si Luis. He drove as fast as he could to the nearest drugstore, halos hindi na niya napapansin ang mga stoplight sa daan. Ang tanging laman ng isip niya ay ang mukha ni Clarissa—iyong namamagang pisngi at ang sakit sa mga mata nito na pilit niyang binubura sa memorya.Pagdating niya roon, hindi lang basta siya bumili ng gamot—para siyang nag-shopping para sa buong barangay. Kinuha niya ang lahat ng anti-inflammatory creams, ointments, antiseptic sprays, tablets, gauze, cotton, iodine—lahat ng puwedeng makatulong sa tiniis na sakit ni Clarissa.Hindi siya tumigil hangga’t hindi halos mapuno ang trunk ng sasakyan. Parang mas gusto pa niyang bilhin ang buong pharmacy kung puwede lang.Pagdating niya sa condo, agad siyang umakyat. Pagbukas niya ng pinto, nadatnan niya si Michelle na nakaupo sa sofa, may hawak na baso ng malamig na tubig, pero halatang stressed at hindi mapakali.“Michelle,” tawag niya. “Where is she?”Michelle pointed to
Baca selengkapnya