JANNA GRACIA Mabilis na lumipas ang isang linggo. Ilang beses niyang tinangka na dalawin si Darren sa hospital pero bigo siya. Nasa tabi palagi si Lexi at ayaw siyang kausapin ni Darren. Palagi siya nitong tinataboy at palagi nitong ipinapamukha sa kanya na hindi na siya kailangan nito sa buhay nito Pero sadyang sutil ang puso niya. Hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa lalo na at alam niyang darating din ang panahon na marerealized nito na siya talaga ang babaeng nababagay dito. “What do you want? Alam mo, ang tigas din naman ng mukha mo, janna. Wala na tayo, tapos na tayo at pwede ba, tumigil ka na! Don’t worry, kahit na hiwalay na tayo, ang bahay na tinitirhan mo ngayun aY ibibigay ko na sa iyo ng lubusan. Siguro, compensation sa pinagsamahan natin at bonus sa magandang performance mo sa kumpanya. Inutusan ko na si Attorney Rios na ilipat sa pangalan mo ang bahay. Hope na maka-moved- on ka na dahil masaya na ako ngayun. Nandito na ang babaeng iniibig ko kaya naman, tama na.
Last Updated : 2025-08-19 Read more