“Iha, come in! Come in!” mainit na pagtangap sa kanya ni Don Lorenzo pagbungad pa lang niya sa pintuan ng opisina nito. Kasama niya ngayun si Gabby na feeling niya closed na talaga silang dalawa. Pagkatapos kasi nilang kumain kanina, niyaya pa sya nito sa kalapit na mall para palitan daw ang damit na suot niya. Paano ba naman kasi, sa sobrang luma noon, kupas-kupas na ang kulay at hindi na talaga appropriate tingnan. “Lolo, Good Morning po! Sorry, I’m late po.” Nahihiya niyang wika dito. “Ayos lang iha. No problema!” nakangiting sagot din naman kaagad nito sa kanya. Haysst, ang bait ni Lolo! Mabuti na lang talaga at nakilala niya si Doc Gabby. Wala nang dahilan para magmukmok siya sa isang tabi at damhin ang kabiguan sa pag-ibig. Maghapon siya sa opisina ni Don Lorenzo at hindi umaalis sa tabi niya si Gabby. Palagi itong nakaantabay sa kanya sa lahat ng oras kaya naman kahit papaano, naka-adjust na siya na palaging nasa paligid lang ito. Hindi nya nga alam kung bakit ayaw nit
Last Updated : 2025-08-23 Read more