VANILLA KUMUSTA kayo?” nakangiting wika niya sa mga ito. Niyaya niya na ang mga ito papasok ng living area at kaagad na inutusan ang isa mga kasambahay na ipaghanda sila ng makakain. “Ayos lang kami. Ikaw kumusta ka na? God, ang tagal nating hindi nagkita ah” nakangiting sagot naman kaagad ni Janna. “And imagine, kayo pa rin pala ni Zakari hangang huli. Pero teka lang, noong last tayong nagkita sa grocery store mahigit isang buwan na ang nakaraan, hindi ba’t si Darren ang kasama mo? Naku, Vanilla, ang dami mong dapat na ichika sa amin ah?” ani naman ni Devi. Hindi niya naman mapigilan ang matawa. “Mahabang itorya. Pero isa lang ang sure ako ngayun. Kami talaga ni Zakari ang nakatakda para sa isa’t isa mga friend.” Nakangiting sagot niya. “So happy, for you, Vanilla. Mabuti naman at si Zakari pa rin ang pinili mo. Alam mo naman na noon pa man, ayaw ko na kay Darren para sa iyo noh! Minsan ka na niyang niluko at baka gagawin niya ulit iyun in the future. Always remember, once
Last Updated : 2025-08-06 Read more