JANNA "DOC Gabby, iyan ba ang bahay mo?” tulala niyang wika habang nakatitig sa mala palasyong bahay na nasa harapa nila. Nandito sila sa bakuran ng nasabing bahay at hindi siya makapaniwala na ganito pala kayaman ang lalaking kasama niya. “Nope. Hindi ko ito bahay kundi bahay ito ng Lolo ko.” Nakangiting sagot nito sa kanya. Pagkatapos nitong sabihin ang katagang iyun, may lumapit na isang babaeng naka-unifrom sa kanila. Sinabi nito na nasa dining area na daw si Don Lorenzo at kanina pa naghihintay sa pagdating nila. “Good evening Senyorito, Senyorita, nasa loob na ng dining area si Don Lorenzo. Hinihintay na po ang padating niyo.” Eksaktong salita na binitiwan nito na labis niyang ikinagulat. Paano ba naman kasi, naging senyorita ang paraan ng pagtawag nito sa kanya. Nakakagulat kaya iyun sa isang kagaya niyang isang hampaslupa. “Ganoon po ba, manang? Sige po, doon na lang kami didirecho ni Janna.” Nakangiting sagot ni Doc Gabby kay Manang at inakay na siya nito papasok ng ma
Last Updated : 2025-08-21 Read more