SAPO ang nasaktang pisngi, mabilis napatayo ng kama si Lexi. Sapo niya ang nasaktan niyang pisngi at buong pagmamakawa na umiyak sa harapan ni Darren “Darren, sorry…sorry! Hindi ko sinasadya. Alam mo naman na mahal kita diba? Nagbalik ako dito sa Pinas para sa iyo at magkakaanak na tayo. Huwag ka nang magalit. Promise…promise, hindi na ito mauulit!” nagmamakaawa niyang wika. Hindi kasi talaga pwedeng magalit itong si Darren sa kanya. Kung sakaling hiwalayan siya nito, saan siya pupulutin lalo na ngayung buntis siya. “Hindi sinasadya? Ganoon lang kadali para sa iyo na sabihin sa akin ang katagang iyun, Lexi! Pagkatapos mo akong iputan sa ulo, tsaka mo sasabihin sa akin na hindi mo sinasadya?” galit na sigaw ni Darren sa kanya. Lalo naman siyang napahagulhol ng iyak. Sa ilang beses na nagluko siya dito kay Darren, hindi man lang sumagi sa isipan niya na possible pala siyang mahuli nito. At heto na nga! Hindi niya napaghandaan ang bagay na ito kaya hindi niya alam kung paano lusutan.
Last Updated : 2025-08-28 Read more