“Hindi mapigilan ni Janna na magulat nang bigla na lang pumasok ang kotse sa isang mataas na gate. Ang akala niya sa dating tinitirhan nilang dalawa nitong si Darren siya dadalhin nito pero nagkamali siya. Hindi niya alam kung saan lugar ito pero ang alam niya, nasa labas ito ng Metro Manila. Kahit na madilim ang kalsadang dinadaanan nila kanina, napapansin siyang puro puno at may bangin din silang nadadaanan. Bihira lang ang mga sasakyan na nakasalubong nila at kung sakaling tatakas siya dito kay Darren, talagang mahihirapan talaga siguro siya na makalabas sa lugar na ito. Hindi nya din alam kung may mga kabahayan ba silang nadadaanan pero feeling niya wala. Ngayun pa lang, nag-aalala na siya. Sino ang tutulong sa kanya kung saka-sakali? Sa istado ng pag-iisip ni Darren, mukhang hindi ito okay! Imagine, nagawa pa talaga nitong barilin kanina si Gabby! Handa itong maging criminal, makuha lang ang gusto nito. Pero hindi…hindi siya susuko! Kailangan niyang makaalis sa poder ni
Last Updated : 2025-09-17 Read more